Kabataang bajau nag summer workshop sa personal development

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Sumailalim ng summer workshop ang may 15 kabataang Sama Bajau noong April 17-19 sa Malitam Child Development Center upang maturuan sila ng mga bagay na makakaangat sa kanilang personalidad at uri ng pamumuhay.

Itinuro sa workshop na ito na isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang self awareness, arts and crafts gamit ang mga recycled materials, reproductive health , drug rehabilitation program, kaalaman sa search and rescue bilang bahagi ng disaster preparedness, leadership training at values formation.

Ayon kay Mila Espanola, hepe ng CSWDO, nais nilang may mapagkaabalahan ang mga kabataang ito habang sila ay nagbabaksyon at mailayo sa masamang bisyo. Ang matututunan nila sa workshop ay magagamit nila hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa kanilang komunidad. “Maraming bajau ang natutulungan namin na maging disenteng mamayan na maaring makisalamuha sa pamayanan. Ilan sa miyembro ng kanilang pamilya ay nakapag- aral at mayroong trabaho,” dagdag pa ni Espanola.

Sinabi rin ni Espanola na mayroon siyang itinalagang day care worker sa bajau community upang mag monitor at tumutok sa mga pangangailangan ng mga taong ito. (PIO Batangas City)