SPES applicants kumuha ng qualifying exam

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Kumuha ng qualifying examination ang may 428 kabataan na nagnanais mapabilang sa Special Program for Employment of Students (SPES) grantees ngayong taon.

Mula dito ay kukuha ang Public Employment and Services Office (PESO) ng 150 grantees habang 50 slots naman para sa mga dating SPES grantees.

Ang mga makakapasa ay sasailalim sa interview sa April 24 habang sa April 27 naman gaganapin ang orientation.

Aabutin ng 22 araw ang kanilang summer jobs sa iba’t ibang departamento ng pamahalang lungsod mula May 2-31.

Taong 1995 nang magsimula ang SPES program sa lungsod na naglalayong maging kapakipakinabang ang summer vacation sa mga estudyante.

Sila ay tatanggap ng honorarium na P 477.73 kada araw kung saan 40% ng kanilang sweldo ay manggagaling sa DOLE at 60% naman ay sa pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)