Malakas na kampanya laban sa droga prayoridad ng bagong police OIC

  1.jpg

Sa kanyang pag-upo noong April 16, sinabi ng bagong Officer-in-Charge ng Batangas City PNP na si Pol./Supt. Sancho Obligado Celedio na higit pa niyang palalakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga.

“The war against illegal drugs remains our top priority. Whatever my predecessor has done in the war against drugs, I will continue it and just work on areas for improvement,” sabi ni Celedio.

Siya ay 48 taong gulang, may asawa at dalawang anak. Ipinanganak siya sa QuezonCity habang ang kanyang mga magulang naman ay Cebuano mula sa Ormoc at Leyte. Nagtapos siya sa Police Academy noong 1999 at humigit kumulang 20 taon na sa serbisyo. Labindalawang taon siya sa Camp Crame at napabilang din sa peace keeping force ng UN sa Africa at East Timor.

Siya ay dating deputy provincial director for administration ni Police Senior Superintendent Alden Delvo na nagsilbing OIC Provincial Director ng lalawigan ng Batangas. Naglingkod din siya bilang hepe ng Calamba PNP sa loob ng kalahating taon at anim na buwan naman sa Tagaytay City. Bagamat challenge aniya na makamit ang ideal police ratio to population na 1:500 sa lungsod kung saa ang ratio ay 1:2,000, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makatugon sa pangangailangan ng isang lumalagong lungsod.

Hinihikayat niya ang mga kabataan na pumasok sa kanilang larangan upang madagdagan ang pwersa ng kapulisan. Ipagpapatuloy din aniya nila ang police visibility upang maramdaman ng mga tao na prayoridad ng law enforcers ang kanilang seguridad at kaligtasan. “This is the surest way to make certain that our citizens are safe,” sabi ni Celedio.

Ang pagpapatupad aniya ng peace and order ay concern ng bawat isa kung kayat hiniling niya ang kooperasyon ng mga mamamayan. Magpapatawag aniya siya ng pagpupulong sa mga barangay officials upang mahingi ang suporta ng mga ito.

Kaugnay naman ng kanilang paghahanda sa gaganaping SK at Brgy elections sa Mayo, magsasagawa sila ng covenant signing para sa mga incumbent barangay captains at mga tatakbo sa eleksyon upang maipakita sa publiko na seryoso sila sa kanilang layuning magkaroon ng mapayapa at maayos na eleksyon. “Ï feel blessed na dito ako na assigned sa Batangas City at nabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Batangueno .

“Marami akong mga nakausap na mga tao partikular yuong mga businessmen na blessed din tulad ko dahil dito sila nagtayo ng negosyo.” Isa aniya sa misyon ng kapulisan ay ang protektahan ang interes ng mga stakeholders at isa na rito ay ang pagkilos para sa seguridad ng mga business establishments.

Binanggit din niya ang malakas na suporta ng city government sa kapulisan. “Very encouraging and inspiring ang suportang ipinagkakaloob ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, the city government is our strongest ally,“ dagdag pa niya. Nagcourtesy siya kay Dimacuha noong April 17.

Si Celedio ang pumalit kay PSupt. Wildemar Tan Tiu na nasa Regional Police -HAU na ngayon (PIO Batangas City)