Barangay Caravan nagbigay serbisyo sa pagdiriwang ng Balete Day

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Kaugnay ng pagdiriwang ng Barangay Balete, Batangas City ng kanilang 15th Foundation Anniversary, bumisita rito ang Barangay Caravan ng pamahalaang lungsod na nagbigay ng iba’t ibang serbisyo sa mga residente rito ngayong Abril 12.

Pinangunahan ni Brgy. Captain Marina . Matuguinas at ng mga konsehales ng barangay ang nasabing pagdiriwang. Nakiisa din sina Bokal Arthur Blanco, Bokal Claudette Ambida at Konsehal Aileen Montalbo na nagbigay ng kani kanilang mensahe sa mga dumalo.

Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa na sinundan ng pagbubukas ng mga serbisyo publikong hatid ng Barangay Caravan. Kabilang sa mga departamentong lumahok ang Mayor’s Action Center (MAC) na tumanggap ng application para sa scholarship programs at ang City Health Office (CHO) na nagbigay ng libreng konsulta, mga libreng gamot at namahagi ng mga EBD Heath Cards. Ang City Registrar’s Office (CRO) ay nagkaloob ng libreng pagkuha at pagsasaayos ng birth certificate. . Nagsagawa naman ng reading at drawing sessions ang City Library para sa mga batang naroroon habang namahagi ng mga punla, gamot sa mga alagang hayop, libreng anti-rabbies vaccination at libreng gupit ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS). Nagkaroon din ng pa-raffle hatid ng mga opisyales ng pamahalaang lungsod at sina Bokal Blanco at Ambida.

Bakas ang tuwa sa mga labi ng mga mamamayan ng Balete, gaya na lamang ni . Elma Palogme, 31 taong gulang ng Balete Relocation Site. “Napakalaking tulong sa aming mahihirap ang mga programang gaya nito, kagaya ko miyembro ako ng 4P’s, malaking bagay na ito sa amin sapagkat nakatipid na kami sa pamasahe, di na kami obligadong pumunta sa bayan para lamang makatikim ng serbisyo publiko,” sabi ni Palogme. (PIO Batangas City)