Barangay tanod mahalaga ang papel sa pagsugpo ng droga sa barangay

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Binigyang diin ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga barangay police sa gera ng pamahalaan laban sa droga sa unang general assembly ng Barangay Police Federation kamakailan sa Batangas City Convention Center.

Dumalo sa okasyong ito sina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha na kapwa kinilala ang tungkulin ng mga barangay police o tanod sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng kanilang barangay. Sinabi rin nila na ipagpapatuloy nila ang kanilang suporta upang higit na mapalakas ang mahigit 100 miyembro ng samahang ito.

Namahagi rin sila ng mga kagamitan na magagamit ng mga tanod sa pagganap sa kanilang tungkulin kagaya ng flashlights, posas batuta at iba pa.

Ayon kay dating Batangas City Police chief Wildermar Tiu na siyang nagbigay ng lecture tungkol sa “The Role of Barangay Police In Combating Drug Addiction”, ang mga barangay police ang “contact persons, guardians, coordinators, at force multifliers na makakatulong at makikipag ugnayan sa kapulisan sa pagsugpo ng kriminalidad.”

Hinamon din niya ang mga barangy police na pagsikapang maging drug-free ang kanilang barangay katulad ng barangay Dela Paz Pulot Itaas at Ilijan na sila pa lamang na “drug cleared” sa 105 barangay sa lungsod ng Batangas. (PIO Batangas City)