Fire brigades nagpagalingan sa Urban Fire Olympics

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Nagdaos ng 2nd Batangas City Urban Fire Olympics ang Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong March 15 sa Batangas City Sports Complex, Oval Ground kung saan lumahok ang ilang mga barangay at industrial fire brigades upang mahasa ang kakayahan ng komunidad sa pagresponde sa sunog at pagliligtas ng buhay at ari-arian.

Sinabi ni BFP S/INSP Glenn Salazar na “wala man kami, sa inyong mga kamay nakasalalay ang buhay ng ating mga kababayan, iyon ang purpose ng ganitong Olympics. Narito lamang kami upang i check kung tama ba ang inyong execution, training , plan o program of instruction para sa darating pang panahon, patuloy pa nating maitaas yung level ng ating kaalaman.”

“Malaking tulong ang ganitong activity upang mapag ibayo ang kakayahan hindi lamang ng mga bumbero kundi maging ng mga volunteers sa pagresponde sakaling magkaroon ng sunog,” dagdag pa ni Salazar.

Nanalo ang Pinamucan Fire Brigade bilang overall champion sa barangay category at kampeon din sa Hose Laying and Replacement of Busted Hose, Bucket Relay at Flammable Liquid Fire Extinguishment. Sa Industrial category, overall champion ang JG Summit Fire Brigade at first din sa Combination of Busted Hose and Up the Ladder at Fire Extinguishment. Nag first place naman ang St Camillus De Lelis Hospital Fire Brigade sa Rescue and Transfer Relay at Most Organised Contingent.

Napiling Ms. UFO 2018 ang muse ng Pinamucan fire brigade sa barangay category at muse ng St Camillus De Lelis sa industrial category. (PIO Batangas City)