LGBT nag-alay ng libreng gupit sa mga babaeng senior citizens

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Batangas City-Ngayong ipinagdiriwang ang Women’s Month, nagsagawa ng Libreng Gupit ang may halos 150 miyembro ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) Batangas City Chapter para sa mga kababaihan na senior citizens sa GAD building sa Plaza Mabini ngayong araw na ito.

May mga ilan ding lalaking elderly ang nagupitan upang mas marami ang makinabang.

Ayon kay Ariane Gamboa, presidente ng samahan at isang sikat na hairdresser at make-up artist sa lungsod, ito ang unang proyekto ng kanilang grupo para sa mga katandaan. Kasunod nito, pupunta sila sa ibat-ibang barangay para mag-alay ng libreng gupit sa mga senior citizens.

Sinabi rin niya na hihikayatin nya ang mga parlor owners sa buong lungsod na gawing libre na ang gupit sa mga tinatawag na pangunahing mamamayan.

Nagpasalamat si dating Mayor Vilma Dimacuha na siyang presidente ng City Council for Elderly sa tulong na ito ng LGBT group na binubuo ng mga professionals at beauticians. (PIO Batangas City)