Income ng Batangas City tumaas noong 2017

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Iniulat ng City Treasurer’s Office na tumaas ang revenue collections ng Batangas City noong 2017 sa halagang P2 bilyon, malaki ng P142 milyon sa naging collections noong 2016 na umabot lamang sa P1.8 bilyon.

Umabot ang real property collections sa P923.6 milyon, mataas ng P26.5 milyon sa collections noong 2016 na umabot lamang sa P897.1 milyon habang ang business tax collections ay umabot sa P578 milyon, mataas ng P16.3 milyon sa P561.6 milyon collections noong 2016.

Ayon pa rin sa ulat, ang paglaking ito ng income na lungsod ay hindi lamang dahilan sa mga pumasok na investments, charges at fees kundi dahilan sa patuloy na intensified tax collection campaign kung saan pinupursige ang mga delinquent taxpayers na magbayad ng buwis.

May 27,451 Notices of Delinquency na may total delinquency na nagkakahalaga ng P209.2 milyon ang naipadala sa mga real property owners at 4,382 bahay ang nabisita sa ginawang real property tax house-to-house campaign sa lahat ng barangay ng lungsod. Pinadalhan din ng notification letters ang mga delinquent business taxpayers at mga market stall owners na magbayad ng kanilang buwis.

May 315 Warrants of Levy din ang naisilbi sa mga delinquent taxpayers kung saan 229 ang nakansela matapos mabayaran ang delinquencies. Nagkaroon ng auction noong December 17, 2017 kung saan 40 properties ang naibenta matapos ang ginawang advertisements at Notice of Auction Sale of Properties ng 53 delinquent properties na napublished sa November 20 at 27, 2017 issues ng Philippine Star. Naglagay din ng posters ng mga notices na ito sa mga madaling makitang lugar sa poblacion ng lungsod. ( PIO Batangas City )