Barangay Sto. Domingo nabiyayaan ng waterworks project.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinasinayaan nina Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha kaninang umaga (December 15) ang Waterworks project sa barangay Sto. Domingo na magbibigay ng sapat na suplay ng tubig sa 125 kabahayan na may mahigit sa 500 indibidwal.

Matutugunan rin ng proyektong ito ang pangangailangan sa tubig ng mga babuyan na siyang pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente ng barangay.
Ang tangke na naglalaman ng 8,000 galon ng tubig ay itinayo sa 50 metro kwadradong lupa na ipinagkaloob ng pamilya ni Mayor Dimacuha.

Ang tubig ay sasailalim sa water testing sa ika-anim na buwan at kung ang maging resulta ay libre ito sa anumang bacteria o mikrobyo, saka lamang ito pwedeng inumin upang maseguro ang kaligtasan ng mga consumers.

Kasabay ng inagurasyon ng proyekto ay ang panunumpa sa katungkulan ng mga miyembro ng Brgy. Sto. Domingo Waterworks Association na pinamumunuan ng pangulo nito na si Mario Aclan. Ito ang pang 70 waterworks association sa may 53 barangay na may waterworks projects sa lungsod.

Ayon kay City Planning and Development Coorodinator Januario Godoy, ito ang kauna unahang proyekto sa patubig ni Mayor Beverley. “Pagkaupo ni Mayor, ang patubig sa barangay ang hiniling kaagad ni Pangulong Idro kay Mayor at nabigyang prayoridad naman ni Mayor.” Dagdag pa ni Godoy.

Bago pormal na iasalin ang pamamahala ng proyekto sa samahan ay hiniling nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha na ingatan at maging maayos sa pamamahala nito. “Pakiusap po, alagaan at mahalin po ninyo ang proyekto para magpatuloy ang masaganang daloy ng tubig,”binigyang diin ni Mayor Dimacuha.

Labis naman ang pasasalamat ni Aclan sa naturang proyekto at nangakong pangangalagaan at tatangkilikin ang proyekto PIO Batangas City)