Magnetic Resonance Imaging (MRI) isasama sa EBD health card benefits

  MRI1.jpg MRI2.jpg

Ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas ang isang resolusyon na nagbibigay ng authority kay Mayor Beverley Rose Dimacuha na pumasok sa isang service agreement sa Batangas Diagnostic Medical (BMI) Imaging Center Inc. na magamit ang mga serbisyo at pasilidad nito ng mga EBD health card holders.

Ito ay bilang tugon sa request ni Mayor Beverley Dimacuha na ipasa ang naturang resolusyon upang mapalawak ang benepisyo ng EBD health card sa mga holders nito. Ang BMI lamang ang pasilidad sa lungsod na nagkakaloob ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) na malimit ginagamit sa imaging ng mga masasakit na bahagi ng katawan kagaya ng low backs, tuhod, balikat at iba pang parte na may injury na hindi makikita sa x-ray.

Ito ay nagkakahalaga ng humigit kumulang na P75,000-P100,000.

Ang mga ospital sa lungsod ay walang MRI facility kung kaya’t lumuluwas pa sa ibang bayan ang mga pasyente. Bukod sa mahal ang MRI service, mas napapamahal pa ang mga pasyente kung lalayo pa ang mga ito para lamang ma-avail ang naturang serbisyo.

Ang ibibigay lamang na serbisyo ng BMI ay ayon lamang sa ‘per-need-basis’ at ang pagbabayad ay yaon lamang serbisyong isinagawa. Ito ay nangangahulugan na mayroong option ang city government na huwag i-avail ang serbisyo ng BMI at hindi ito obligadong magbayad sa naturang pasilidad.

Maaaring i-charge ang serbisyo ng BMI sa EBD Health Programs, kung kaya’t hindi na kailangang mag-appropriate ng pera mula sa annual budget ng lungsod. (PIO Batangas City)