Permanenteng campus ng Pisay bubuksan na sa Hulyo

  pisay1.jpg pisay10.jpg pisay11.jpg pisay12.jpg pisay2.jpg pisay3.jpg pisay4.jpg pisay5.jpg pisay6.jpg pisay7.jpg pisay8.jpg pisay9.jpg

Bubuksan na ang permanenteng paaralan ng Philippine Science High School Calabarzon sa barangay Sampaga sa simula ng klase nito ngayong Hulyo pagkatapos ng dalawang taong paggamit ng pansamantalang campus nito sa Bahay Kaalaman ng Batangas National High School.

Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at kanyang Chief of Staff, Atty. RD Dimacuha ang pagbabasbas ng Academic Building at Boys Residence Hall ngayong araw na ito. Kasama rin nila dito o sina Dr. Jose Andaya, Campus Director at mga opisyal ng Pisay CALABARZON.

Ang tatlong palapag na Academic Building ay may 18 classrooms samantalang ang 4-storey Boys Residence Hall ay may 27 bedrooms kung saan pansamantalang titira ang mga babaeng estudyante habang tinatapos ang kanilang dormitoryo. Patuloy naman ang konstruksyon ng cafeteria at administration building.

Ang Pisay Calabarzon Campus ay nasa may limang ektaryang lupa na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod. Ito ay may 270 mag-aaral ngayon kabilang na ang 90 incoming grade 7. (PIO Batangas City)