Trace Together App hinikayat na gamitin

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Hinihikayat ng pamunuan ng SM City Batangas ang mga mall goers na patuloy na gamitin ang Trace Together Application para mas mabilis na makuha ang kanilang impormasyon para sa contact tracing at upang hindi maantala sa pagpasok sa mall.

Ang Trace Together App ay isang contact tracing initiative ng SM supermalls na inilunsad noong Hulyo ng nakaraang taon. Ito ay one-time na pagfill-out ng personal data sa halip na paulit ulit na pagsusulat sa logbook tuwing papasok ng mall dahil kailangan lamang i-scan ang QR code na makikita sa mga entrances nito.

Sa pamamagitan rin nito, mas maiiwasan ang transmission ng virus dahil hindi na kailangang gumamit ng ballpen na ginamit ng ibang mall goers.

Dahil ito ay system- wide, magagamit ang QR code sa lahat ng branches ng SM sa bansa. (PIO Batangas City)