Senator Bong Go, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Personal na dinala ni Senator Bong Go ang ilan sa mga programa ng national government para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly sa Batangas City. Kasama niyang bumisita sa lungsod noong November 5 sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Aimee Neri, Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Flordelona Amate, mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) at iba pang national government agencies.

Ang nasabing pagbisita ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan nina Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha. May 1,203 pamilya ang tumanggap ng P5,000.00 pay-out mula sa DSWD. Namahagi ng mga food pack at vitamins ang tanggapan ng senador.

Nagpa-raffle din siya ng 25 units ng tablet upang magamit sa pag-aaral ng mga estudyante at 25 bisikleta na maaring namang gamitin sa paghahanapbuhay. Nangako rin siya na papalitan ang mga nasira o nalubog sa bahang tablets na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod. Sinabi ni Senator Go na maaring makipag-ugnayan sa mga Malasakit Center na nakatalaga sa mga government hospital ang mga nangangailangan ng medical assistance.

Binigyang diin niya na tutulong siya kay Congressman Marino sa paghahanap ng pondo para sa mga road rehabilitation projects sa coastal barangays. Tumanggap ang mga tauhan ng PCSO ng aplikasyon para sa financial assistance at nagbigay din ito ng food packs. Magpapadala naman ang DTI ng kanilang mga kinatawan sa lungsod upang magproseso ng application para sa tulong pinansyal para sa mga apektadong negosyante gayundin sa mga nais magsimula ng sariling negosyo. (PIO Batangas City)