Apektadong pamilya sa limang barangay nailikas na

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 49 na pamilya o 203 indibidwal ang ngayon ay nasa evacuation centers matapos silang ilikas ng evacuation task force ng Incident Management Team (IMT) at Barangay Disaster Risk Reduction Risk Management Council (BDRRMC).

Ang mga ito ay mula sa identified critical areas o mga lugar na malapit sa dagat at ilog Calumpang kagaya ng barangay Cuta, Pallocan West, Poblacion 4, 2 at Kumintang Ibaba.

Inihahanda na ngayon ng Camp Task Force na binubuo ng kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pagkain para sa kanila. Nakaantabay na rin ang Medical Task Force ng City Health Office para magsagawa ng medical check up at mamahagi ng gamot kung kinakailangan. Naka standby pa rin ang IMT para sa monitoring ng sitwasyon at tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan ng lungsod.