Grupo ng zumba dancers tumutulong sa komunidad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Hindi lamang sila grupo mga zumba dancers sa Plaza Mabini kundi mga civic-spirited individuals na tumutulong sa mga kapospalad sa komunidad.

Sila ay ang Barako Fitness Group Plaza Mabini na noong December 7 ay namigay ng mga medical supplies sa mga cancer patients na tinutulungan ng Cancer Warriors Foundation Batangas City sa Amphitheatre sa Plaza Mabini.

Mahigit na 120 batang may cancer ang nabigyan ng mga gamot, IV stands, mask, alcohol, cotton, blanket, pillows, mono block chairs, milk at iba pang medical supplies.

Ayon kay Epoy Sison, president ng Barako Fitness Group Plaza Mabini Batangas City, nagsasagawa sila ng fund-raising activities para sa kanilang mga proyekto. Layunin ding nilang i promote ang healthy lifestyle.

Ang pondong kanilang ginamit para sa mga natulungan nilang cancer patients ay galing sa isinagawa nilang “Zumbarako Sayawan sa Pasko” fund raising at sa mga sponsors mula sa abroad. (PIO Batangas City)