Kababaihan nagsanay sa paggawa ng modernong bag at banig gamit ang buli

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- May 15 kababaihan ng Isla Verde ang nagsanay sa paghahabi ng mga modernong bags at banig bilang bahagi ng livelihood training ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) noong June 18 sa Function Hall Building ng nasabing tanggapan.

Ang mga nagsanay ay yung mga datihan ng nag hahabi ng banig, bag at iba pang produkto na ang gamit ay buli.

Ayon kay Anna Apable, trainor ng Tuy Arts and Design, malaking bagay na marunong na sila mag habi kayat ang itinuro na lang sa kanila ay kung paano gumawa ng bag at banig na moderno ang design, kung paano ito i market at mag branding ng produkto. Itinuro din sa kanila ang tamang pagtimpla at pag gamit ng dye upang maging maganda ang kanilang gagawing design.

Isa sa mga nagsanay ay si Anilyn Amparo, 57. “Bata pa po ako paghahabi na ang nakagisnan ko kayat ito na rin ang ginawang hanap-buhay ng aming pamilya, kaya malaking tulong ang gawaing ito sa akin. Kung dati ordinary lamang ang pag gawa namin ng banig at bag, ngayon madadagdagan na ang aming kaalaman sa pag de sign at pag gawa ng mga bago.”

Ang mga produkto na ginagawa ng mga kababaihang ito ay mabibili sa Pasalubong Center sa Plaza Mabini. (PIO Batangas City)