STAR Tollway- Pinamucan Bypass Road update

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Bilang bahagi ng Phase 1 ng STAR Tollway-Pinamucan Bypass Road construction, sinisimulan na ang pag gagawa ng tulay na tatawid sa ilog ng Calumpang at magdudugtong sa Tingga at mga barangay ng San Pedro, Dalig, Dumantay, Sampaga, Dumuclay, Sirang Lupa, at Libjo. Ang tulay ay may habang 175 metro. Ito ay joint project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipag-ugnayan ni Congressman Marvey Marino at ng pamahalaang lungsod kung saan ang huli ang responsable sa acquisition ng right of way upang madagdagan ang pondo ng DPWH sa konstruksyon ng proyekto.(PIO Batangas City)