- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Donn Ramos road gagawin na
- Details
- Monday, 22 January 2018 - 5:15:12 PM
Sisimulan na ng pamahalaang lungsod sa January 24, Miyerkoles, ang pagsasaayos at rehabilitasyon ng karsada sa may Donn Ramos, simula Lion’s marker hanggang sa may Carpio Road ng brgy. Kumintang Ibaba kung kayat magkakaroon ng rerouting upang bigyang daan ang proyektong ito.
Ayon kay City Engineer Adela Hernandez, ang gagawing kalye ay may haba na 150 metro, lapad na mula 6.75 -8.6 na metro at pakakapalin ng may .3 meters o 12 inches upang ito ay higit na matibay kahit daanan ng mga mamalaking trak. Ang proyekto ay tatagal ng 20 araw kung saan 18 oras ang trabaho bawat araw. Ito ay inaasahang matatapos sa February 14.
Ayon sa Transportation Development and Regulatory Office(TDRO), magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng mga kalye sa Gov. Carpio (Don Ramos) corner Roxas Road at sa may kanto ng 7-11, sa may dating terminal ng N. Dela Rosa. Dahil dito ay gagawing two-way ang Roxas Road at Telecom Road na maari lamang daanan ng mga magagaang sasakyan (light vehicles). Ang mga malalaking trak, tanker at iba pa na patungo sa mga industriya sa baybaying barangay ay pansamantalang dadaan sa mga bayan ng Ibaan, Rosario at Taysan.
Nagkaroon ng pagpupulong ang TDRO at mga kinatawan ng mga apektadong industriya tulad ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., JG Summit, First Balfour Inc. at iba pa. Dito ay ipinaliwanag ng hepe ng TDRO na si Engr. Francis Beredo ang pansamantalang pagbabago ng ruta para sa mga malalaki at mabibigat na sasakyan. Hiniling rin niya ang pang unawa ng mga dumalo sa maaring epekto ng pansamatalang rerouting sa kanilang hanapbuhay.
Napagkasunduan na magkakaroon ng koordinasyon ang TDRO at Batangas City PNP sa kapulisan ng mga bayan ng Ibaan, Rosario at Taysan kung saan mag re reroute ang mga trak at tankers ng mga nasabing industriya para sa seguridad ng mga ito. Nakatakda na ring simulan ang pagsasaayos ng iba pang kalye sa Poblacion at sa rural barangays sa lungsod sa huling linggo ng Pebrero o unang linggo ng Marso matapos ang pagsasaayos ng mga dokumento at bidding para dito. (PIO Batangas City)
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.