Meralco interesado sa operation ng Verde Island solar electrification project

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Nagsumite ang Manila Electric Company (MERALCO) sa city government ng Batangas ng proposal para sa “possession, operation and maintainance (O&M) service” ng generation facilities ng Verde Island Micro-Grid Electrification Project sa ilalim ng usufruct agreement “for a minimal consideration.”

Pumasok sa isang Memorandum of Understanding and city government sa United States Agency for International Development para sa solar electrification ng Verde Island noong Marso ng taong ito. Ang Meralco ay aktibong involved sa proyektong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng necessary electricity distribution network sa loob ng pilot barangay ng San Agapito na isa sa anim na barangay sa Verde Island.

Ayon sa proposal, ang Meralco ay “in the best position” na magbigay ng O&M service ng generation facilities “involving solar photovoltaic modules and energy storage systems” habang ito rin ang nagdi distribute ng kuryente sa mga off-grid end-users ng Verde Island dahilan sa experience at expertise nito sa ganitong gawain. Ito anila ay magiging “most advantageous” sa city government at sa mga residente ng Isla Verde na ngayon ay makakabenepisyo sa murang kuryente sa pamamagitan ng reliable distribution services ng Meralco.

Subject sa approval ng Energy Regulatory Commission(ERC) ng proposal na ito, makakapag supply ng kuryente ang Meralco sa residente ng Verde Island “in the least cost manner” ng hindi kailangan ng Power Supply Agreement at Competitive Selection Process. Ang retail rate na sisingilin sa mga taga Verde Island ay ang retail rate na approved ng ERC.

Kikita rin ang lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng remuneration sa halagang Ph0.50/kWh na aaprubahan pa rin ng ERC. Ang proyekto ay may initial capacity na 32kWp Solar PV Energy Storage hybrid at may kasamang 192kWhr battery storage.

Ang Meralco ang may karapatan na unang mag-offer sa anumang ekspansyon ng project o alinmang karagdagang capacity sa generation facilities nito.

Ayon pa rin sa proposal, ang target commencement date nila ay sa December 12, 2017, na magki kick off sa lighting ceremony sa Isla Verde. Ang term of agreement ay 25 taon kayat ito ay matatapos sa December 11, 2042 subalit pwedeng ma extend upon mutual agreement.

Ang nasabing proposal ng Meralco ay isinumite rin sa Commitee on Laws, Rules and Regulations ng Sangguniang Panlungsod upang ito ay mapag-aralan at talakayin. (PIO Batangas City)