SPES grantees, tumanggap ng allowance mula sa DOLE

  SPES1.jpg SPES2.jpg SPES3.jpg SPES4.jpg SPES5.jpg SPES6.jpg

Mahigit sa kalahating milyong piso ( P 609,615.00) ang kabuuang halaga ng allowance na ipinamahagi ng Department of Labor and Employment Office (DOLE) sa may 95 scholars ng Saint Bridget College sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng pamahalaan.

Bawat scholar ay tumanggap ng tseke na nagkakahalaga ng P 6,417 bilang allowance sa 45 araw nilang pagtatrabaho bilang student assistants sa SBC kung saan ito ay 40% counterpart ng DOLE. Ang 60% naman na share ng kolehiyo ay kabawasan sa tuition fee ng isang beneficiary sa isang semester.

Ayon kay Labor Employment Officer Karl Joseph Sanmocte, bukod sa nakakatulong ang SPES sa mga estudyanteng gustong magtrabaho sa summer vacation, naiikintal din sa isip ng mga kabataan ang work values at ang pagkakaroon ng tamang work attitude.

Pinayuhan naman ni Public Employment Service Office (PESO) Manager Noel Silang ang mga scholars na gamitin ng maayos ang kanilang sweldo upang ito ay higit na mapakinabangan at makatulong sa mga gastusin sa pag-aaral. (PIO Batangas City)