Kalagayan ng edukasyon sa Batangas City inilahad sa SODA sa pagdiriwang ng Education Week

  Edu1.jpg Edu2.jpg Edu3.jpg Edu4.jpg Edu5.jpg Edu6.jpg

Inilahad ni Dr. Donato Bueno, OIC-City Schools Superintendent, ang mga major accomplishments ng Batangas City Schools Division sa buong taong 2016, sa kanyang State of the Division Address (SODA) kaugnay ng pagdiriwang ng Education Week na nagsimula ngayong December 19.

Ang SODA ay tatlong taon ng isinasagawa ng DepEd Batangas City sa administrasyon ni Dr. Bueno.

Kabilang sa mahahalagang accomplishments ng DepEd Batangas City Division ay matagumpay na hosting nito ng Regional School Press Conference (RSPC) noong unang linggo ng Disyembre.

Ayon kay Dr. Bueno, naipadama ng mga taga lungsod sa may 7,600 delegates mula sa Calabarzon ang mabuting pagtanggap sa mga bisita. Inilarawan aniya ni Dep Ed Regional Director Diosdado San Antonio na “world class” at “spectacular hosting” ang ginawa ng Batangas City na wala pa diumanong makakapantay. Pinasalamatan naman ni Bueno ang napakalaking suporta ng pamahalaang lungsod sa naturang gawain.

Nakuha ng Batangas City Divison ang pang-anim na pwesto sa over-all ranking ng RSPC. Ibinalita rin niya na dito muli sa Batangas City gaganapin ang Regional Gawad Patnugot sa 2017. Binanggit din ni Bueno ang malaking accomplishment ng Alternative Learning System (ALS) kung saan 697 mula sa 845 o 82% ng registered ALS learners ang pumasa sa accreditation and equivalency test test noong Enero. Ito ay mataas ng 20% kumpara noong 2014 na may 62% passing rate. Kaugnay nito ay binati niya si Nestor Alon at mga kasama niyang namamahala sa ALS program.

May pito na rin aniyang Special Education (SPED) Centers para sa may 288 children with special needs. Bukod sa Batangas City East Elementary at South Elementary Schools, nagbukas na rin ng SPED classes ang Kumintang at Libjo Elementary Schools. Itinayo naman ang kauna-unahang SPED building sa Sampaga Elementary Sschool na pinondohan ng pamahalaang lungsod mula sa special education fund.

Katulong ang pamahalaang lungsod, nakapagpagawa sa taong ito ng 107 bagong classrooms at naisaayos ang 47 classrooms. Tumanggap din ang mga paaralan ng iba’t ibang kagamitan mula sa pamahalaang lungsod kagaya ng computer sets, LED TV, mga gamit sa science laboratory para patuloy na maiangat ang kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Marami ring karangalan ang natanggap ng mga mag-aaral sa iba’t ibang regional at national competition kagaya ng Math and Science Contest. (PIO Batangas City)