Naghatid ng kasiyahan ang grupo ni Fr. Suarez at It's Show Time host na si Jhong Hilario sa Batangas City Evacuation Center.

Sina Mayor Beverley Dimacuha at Cong. Marvey kasama si Fr. Fernando Suarez na siyang nagdiwang ng Banal na Misa para sa mga evacuees ng Batangas City Evacuation Center, brgy. Bolbok. Naghatid din ng kasiyahan ang grupo ni Fr. Suarez sa pamamagitan ng magic show ni kuya Cris at mga palaro at ang It's Show Time host na si Jhong Hilario kasama ang mga members ng "Kampon ni Pakakak".

Read more...

Pagpasok ng mga eskwela dapat maibalik sa normal ayon kay Sec. Briones

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang pagputok ng bulkang Taal ay nagdulot ng mga uncertainties sa pagpasok ng mga bata sa kanilang eskwelahan subalit ganon pa man ay dapat maging handa upang maibalik sa normal ang pag-aaral ng mga estudyante.

Read more...

Rescue and relief operations center para sa Taal evacuees itinayo

Nagtayo ang pamahalaang liungsod ng Batangas ng Rescue and Relief Operations Center para sa mga Taal eruption evacuees sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) Conference Room, Barangay Bolbok. Ito ay upang higit na maging maayos o sistematiko ang pagtanggap at pamamahagi ng mga donasyon sa mga evacuees sa itinalagang evacuation centers sa lungsod.

Read more...

Batangas city kumikilos sa pagresponde sa Taal volcano eruption; fiesta activities kinansela

Nagpatawag ng emergency meeting sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa mga konsernadong opisina ng city government para matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagresponde sa pagputok ng bulkang Taal at ang pagbibigay ng tulong sa mga bayang apektado nito.

Read more...

Batangas City Bureau of Fire Protection ginawaran ng Medalya ng Papuri

Ginawaran ng Medalya ng Papuri ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region IV-A ang Batangas City Fire Station at mga tauhan nito sa pangunguna ni CINSP Elaine Evangelista dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa modernisasyon ng BFP Region IV-A at mahusay na paglilingkod kung kaya’t nakuha nito ang 3 rd Highest Fire Code Fees in CY 2019 sa buong BFP Region IV-A (CALABARZON), City category.

Read more...