Mobile kitchen bumisita sa barangay Calicanto

Sa ikapitong pagkakataong pagbisita ng mobile kitchen ng pamahalaang lungsod, mga higit na nangangailangang pamilya naman ng barangay Calicanto ang nakinabang sa hot meals ngayong araw, July 15.

 

 

Read more...

Webinar para sa Mental Health Awareness ng mga PWD, isinagawa

Isang online webinar ang isinagawa ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO) noong ika-14 ng Hulyo na naglalayong mapalakas ang kampanya hinggil sa mental health awareness ng mga persons with disabilities (PWD) lalot higit ngayong panahon ng pandemya. Nagsilbing resource speaker ang Chapter Executive Manager ng Philippine Mental Health Association na si Hazel Magpantay kung saan nagbigay siya ng mahahalagang impormasyon hingil sa maaaring maranasan ng mga PWD’s ngayong may COVID-19 pandemic at nagbigay din ng payo kung paano malalampasan ang mga challenges na ito.

 

 

Read more...

Anibersaryo ng BSPO, ipinagdiwang

1

Pinarangalan ng pamahalaang lungsod ang mga Barangay Service Point Officers (BSPO) sa pagdiriwang ng ika-32 taong anibersaryo nito noong ika-12 ng Hulyo. Tema ng selebrasyon ay “BSPO, Patuloy na Maglilingkod Para sa Masaya at Planadong Pamilyang Batangueno".


Read more...

Libreng teleconsultation para sa mga batang may special needs, isasagawa

Isang teleconsultation na tinaguriang TINDIG BATAngueno ang nakatakdang isagawa ng Helping Hands Pediatric Therapy Center katuwang ang EBD Program for Special Children ng pamahalaang lungsod.

 

 

Read more...

Delivery ng COVID-19 vaccines sa bansa, naantala

Isang advisory ang inilabas ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC)) para sa mga Regional/Local Vaccination Operation Centers (R/LVOCs), Implementing Units at Vaccination Sites hinggil sa timeline o iskedyul ng deliveries ng COVID-19 vaccines.

 

 

Read more...