Sen. Villar nagdala ng medical at feeding mission, livelihood sa Taal evacuees

BATANGAS CITY- Bumisita sa Sports Complex sa Bolbok, Batangas City si Sen. Cynthia Villar dala ang medical mission at feeding outreach para sa mga natitirang Taal evacuees dito, February 11.

 

Read more...

National Dental Health Month ipinagdiriwang ngayong Pebrero

Nagpupunta ngayon ang Dental Division ng City Health Office sa mga public elementary schools dala ang kanilang dental bus araw araw upang magbigay ng kanilang serbisyo kaugnay ng pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong Pebrero.

 

Read more...

Information campaign sa mga barangay tungkol sa 2019- nCoV sinisimulan na

BATANGAS CITY- Nagsimula na ang pamahalaang lungsod ng Batangas sa pagsasagawa ng information/education campaign tungkol sa 2019 Novel Corona virus- Accute Respiratory Disease sa mga barangay bilang isang hakbang upang maiwasan ang sakit na ito.

 

Read more...

Batangas City Police magpapagalingan sa basketball sa una nilang paliga

BATANGAS CITY- Sa layuning maging physically fit at mapalawig ang magandang samahan ng mga kapulisan, inilunsad ng Batangas City Police Station ang 1st Chief of Police (COP) Inter-Color Basketball League, Feb.6, sa Barangay Kumintang Ibaba Covered Court.

 

Read more...

SP nagbigay ng mungkahi sa proposed city zoning ordinance at development plans

Nagbigay ng kanilang inputs ang Sangguniang Panglungsod sa Proposed Batangas City Comprehensive Land Use Plan (CLUP) for CY 2019-2028, Batangas City Comprehensive Development Plan for CY 2019-2025, Batangas City Integrated Zoning Ordinance for 2019 at CLUP Executive Summary ng talakayin ito sa committee hearing ng Committee on Environment, Land Use and Zoning, Feb. 5.

 

Read more...

Real estate developers dapat maglaan ng proyekto sa socialized housing

Sa regular session ng Sangguniang Panlungsod ng Batangas, February 4, inihain ni Coun. Karlos Buted ang isang resolusyon na nanawagan sa mga real estate developers sa lungsod na mahigpit na sumunod sa batas patungkol sa pagsasagawa ng socialized housing upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga low-income sectors.

 

Read more...

Public utility vehicle drivers hinikayat maglagay ng sanitizers sa kanilang sasakyan

Sa harap ng panganib sa kalusugan at kaligtasan na dulot ng 2019 Novel Corona Virus, naghain ng isang resolusyon si Coun. Boy Dimacuha na humihikayat sa mga jeepney drivers at tricycle drivers na magsuot ng face masks at maglagay ng hand sanitizers o alcohol sa kanilang mga sasakyan para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

 

Read more...

Barangay road pinasinayaan

Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha at Barangay 24 Chairman Emma Tumambing ang blessing at ribbon- cutting ceremony ng 240 metrong haba ng kalsada mula Purok 3 hanggang Purok 4 ng nasabing barangay.

 

Read more...