Bb. Lungsod ng Batangas 2016 Talent Competition

Isang 20-year old BS Tourism Management student ang tinanghal na Ms. Talent sa Talent Competition ng Bb. Lungsod ng Batangas 2016 dahilan sa kanyang mahusay na performance ng ballroom dance na kombinasyon ng rhumba, chacha at jive.

Siya ay si Chamian Lyn Melo ng Barangay Alangilan at estudyante ng Westmead International School. Ayon kay Chamian, bagamat hindi niya inaasahan na siya ang mapipiling Ms Talent, lubos ang kanyang kasiyahan sapagkat sulit aniya ang mga oras na kanyang inilaan sa kanyang pagsasanay.

“Malaking tulong na ako ay dancer ng aming paaralan at ang pagkakaroon ko ng confidence sa stage,” sabi ni Chamian.

Iba’t-ibang uri ng sayaw ang ipinamalas ng mga kandidata tulad ng folk dance kagaya ng binasuan; bollywood, contemporary at interpretative dance. Mayroong kumanta, nagmonologue at nagpakitang gilas sa pagtugtog ng piano.

Napili namang Ms Dzayrable Skin si Nina Rouselle Andal ng barangay Gulod Labac; Ms Dermacare si Jainil Corpus ng Brgy. 19; Ms Photogenic si Mary Grace Longos ng Ambulong at Ms Friendship si Ross Violyn Royeras ng barangay Tingga Itaas.

Tinanghal na Bb Lungsod ng Batangas Charity si Johanna Abigail Orlanes ng barangay Kumintang Ilaya dahilan sa siya ang may pinakamaraming tiket na naibenta para sa Talent Competition.

Ayon sa Cultural Affairs Committee, P 127,000 ang kabuuang halagang nalikom sa naturang kompetisyon na gagamitin bilang karagdagang pondo sa paglalagay ng mga solar panels sa mga paaralan sa barangay Isla Verde.

Nagwaging Bb Makakalikasan si Johanna Abigail Orlanes sa Question and Answer hinggil sa kapaligiran dahilan sa kanyang awareness sa mga environmental programs at projects na isinusulong ng lokal na pamahlaan partikular ang paggamit ng renewable.

010-1.jpg 010-10.jpg 010-11.jpg 010-12.jpg 010-13.jpg 010-14.jpg 010-15.jpg 010-16.jpg 010-17.jpg 010-18.jpg 010-19.jpg 010-2.jpg 010-20.jpg 010-3.jpg 010-4.jpg 010-5.jpg 010-6.jpg 010-7.jpg 010-8.jpg 010-9.jpg
Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.