Kabataang Batangueño, Pinagtagpo ang Sining at Estadistika sa Watercolor Painting Competition

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg

TINGNI: Sampung Senior High School mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ang nagtagisan ng husay at pagkamalikhain sa kauna-unahang Watercolor Painting Competition na pinangunahan ng Batangas City Civil Registrar’s Office (BCCRO), katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA).

Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-37 National Statistics Month na naglalayong maipakita ang talento ng kabataan at maipahayag sa pamamagitan ng sining ang kahalagahan ng estadistika sa pang-araw-araw na buhay at pag-unlad ng komunidad.

Nanalo ng unang pwesto si Maria Sofia Garcia ng Regis Benedictine Academy. Pumangalawa naman si Deona Marvana Rolan ng Sovereign Shepherd School of Values and Learning, habang pangatlo si Lauren Margaret Cueto ng University of Batangas.

Nakiisa rin sa aktibidad sina Catrina Sadiwa at Emmanuel Silva bilang mga tampok na pintor sa mini exhibit, kasama si Jeanette Veyra ng PSA bilang mga hurado.

Sa pamamagitan ng kompetisyon, ipinakita na ang estadistika ay hindi lamang tungkol sa mga numero at datos, kundi maaari ring maging inpirasyon sa malikhaing pagpapahayag ng kabataan. (PIO Batangas City)