- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Undras sa Batangas City, Mistulang Hollywood sa Makukulay na Karakter
- Details
- Thursday, 05 November 2026 - 5:00:43 PM
- Views: 80
TINGNI: Mistulang Hollywood ang Undras celebration sa Batangas City matapos pumarada ang mga opisyales at kawani ng pamahalaang lungsod na nakasuot ng iba’t ibang karakter mula sa pelikula, anime, comics at mundo ng pantasya.
Pinangunahan ni Mayor Marvey Mariño, bilang Luke Skywalker ng Star Wars, ang parada mula City Hall hanggang Calumpang Bridge.
Naging Disney Princess ang mga kababaihang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, habang mga karakter sa Demon Slayer ang costume ng mga department head.
Nakiisa rin ang mga empleyado ng city government sa kanilang kasuotang mula sa iba't ibang karakter sa anime, online games at fairytales.
Nagbigay-sigla sa parada ang mga drum beaters, stilt walkers at jugglers.
Tampok din sa selebrasyon ang 22 alagang hayop na kalahok sa pet parade, sampung bata at 20 adult sa cosplay competition.
Pagdating sa Calumpang Bridge, naghatid ng aliw ang pagtatanghal ng fire dancers na sinundan ng makulay na fireworks display. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738




































