- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
250 Mangrove Saplings, Itinanim sa Batangas City Bilang Bahagi ng Pangangalaga sa Kalikasan
- Details
- Thursday, 05 November 2026 - 4:03:45 PM
- Views: 39
TINGNI: Kasabay ng pagsasagawa ng Calumpang River Summit ng Pamahalaang Lungsod ng Batangas, nagsagawa ng mangrove tree planting activity ang Philippine Coast Guard Auxiliary–511th Squadron, Batangas City Division, noong Oktubre 29 sa Mangrove Conservation Eco Park sa Barangay Malitam, Batangas City.
May kabuuang 250 punla ng bakawan ang paunang itinanim sa lugar bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pangangalaga at rehabilitasyon ng mga bakawan sa lungsod. Nakatakda namang magtanim ng karagdagang 250 punla matapos makumpleto ang pagsasaayos ng lugar.
Katuwang ng Philippine Coast Guard Auxiliary sa proyektong ito ang Free and Accepted Masons of the Philippines – Masonic District Region 4, Batangas. Nakiisa rin sa aktibidad ang Shooting Star Cares Foundation, Miss Eco Queen Organization, Pamahalaang Lungsod ng Batangas, Prime Infra Foundation, First Gen Corporation, Coast Guard District Southern Tagalog, Coast Guard Sub-Station Batangas at barangay council ng Malitam.
Naisakatuparan ang proyekto sa pakikipag-ugnayan sa Office of the City Environment and Natural Resources Office (OCENRO).
Apat na taon nang isinasagawa ng mga nabanggit na grupo ang naturang proyekto bilang tugon sa layunin nina Mayor Marvey Mariño at Congresswoman Beverley Dimacuha na mapalakas ang pagtutulungan upang mapangalagaan ang kapaligiran at mapalawak ang mga lugar na natatamnan ng bakawan sa Batangas City. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738



















