- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
OCHO, Nagsagawa ng Basic HIV 101 Seminar para sa mga Kawani ng Pamahalaang Lungsod
- Details
- Thursday, 29 October 2026 - 10:53:04 AM
- Views: 95
TINGNI: Pinalawak ng Office of the City Health Officer (OCHO) ang kaalaman ng mga kawani ng pamahalaang lungsod tungkol sa HIV, AIDS, sexually transmitted infections (STI), at SOGIE sa pamamagitan ng Basic HIV 101 Seminar.
Layunin ng aktibidad, sa ilalim ng direktiba ni Mayor Marvey Mariño, na labanan ang maling impormasyon, stigma, at diskriminasyon laban sa mga taong nabubuhay na may HIV.
Tinalakay sa seminar ang mga paraan ng pag-iwas sa HIV at STI, ang kahalagahan ng tamang impormasyon, at ang paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat indibidwal.
Ipinaliwanag din ang Republic Act No. 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act, na nagtatakda ng mga patakaran sa pag-iwas, paggamot, pangangalaga, at suporta para sa mga taong apektado ng HIV.
Nagsilbing tagapagsalita at facilitator sina Wilbert Alcantara, Junard Castillo, at Marlon Apique mula sa Sustain Health Initiative of the Philippines (SHIFT).
Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng OCHO na palakasin ang kaalaman sa kalusugan at itaguyod ang isang ligtas, inklusibo, at walang diskriminasyong lugar ng trabaho. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738













