11 Grade 4 Pupils, Nagpakitang-Gilas sa Book Character Storytelling Contest ng Batangas City Public Library

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg

TINGNI: Nagpakitang-gilas sa pagkukuwento ang 11 Grade 4 students mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod sa Book Character Storytelling Contest ng Batangas City Public Library and Information Center, Oktubre 28.

Layunin ng patimpalak na mahikayat ang mga bata na magbasa at malinang ang kanilang imahinasyon at pagkamalikhain.

Ayon kay City Librarian Mila Silang, mahalagang maagang mahubog sa mga bata ang hilig sa pagbabasa bilang bahagi ng kanilang pag-aaral at personal na pag-unlad.

Nanguna sa patimpalak si Aleina Gabrielli Magbuhat ng Casa Del Bambino Emmanuelle Montessori sa kaniyang pagkukuwento ng The Little Matchstick.

Nasungkit naman ni Celine Grace Sih ng Batangas KIPSI Memorial School, Inc. ang ikalawang puwesto sa The Little Red Riding Hood, habang pumangatlo si Rafael Joseph Solis ng University of Batangas sa The Boy Who Cried Wolf.

Tumanggap ang mga nagwagi ng cash prize at medal.

Nagsilbing guest storyteller si Riley Brielle Cantos ng Saint Bridget College. (PIO Batangas City)