Office of the City Agriculturist, Nagsagawa ng Pagsasanay sa Paggawa ng Kandila sa Brgy. Poblacion 21

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg

TINGNI: Isinagawa noong Oktubre 8 ang pagsasanay sa paggawa ng kandila para sa mga miyembro ng Rural Improvement Club o RIC at KALIPI sa Barangay Poblacion 21.

Kasabay nito ang muling pagbuo ng Barangay RIC, kung saan nahalal bilang bagong pangulo si Marie Lourd Falcuñit.

Layon ng pagsasanay, na pinangasiwaan ng Home Extension Division ng Office of the City Agriculturist, na magbigay ng dagdag na kaalaman at kasanayan na maaaring magamit ng mga kalahok bilang pagkakakitaan. (PIO Batangas City)