Office of the City Agriculturist, Nagsagawa ng Beauty Services Livelihood Training sa Brgy. Maapas

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg

TINGNI: Nagsagawa ang Home Extension Division ng Office of the City Agriculturist ng livelihood training sa hair cutting, hair treatment at make-up sa barangay Maapas noong Oktubre 7.

Lumahok dito ang mga miyembro ng Rural Improvement Club o RIC at iba pang residente ng barangay.

Sa pamamagitan ng demonstration at hands-on training, natutunan ng mga kalahok ang tamang paggupit at pag-aalaga ng buhok, hair treatment, make-up, at iba pa.

Layunin ng programa na mapaunlad ang kanilang kasanayan at mabigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan sa pamamagitan ng beauty-related services. (PIO Batangas City)