Mayor Marvey Mariño, Pinangunahan ang Pagpapasinaya sa Bagong Multipurpose Hall sa Brgy. San Jose Sico

01.jpg 02.jpg

TINGNI: Pinangunahan ni Mayor Marvey Mariño ang pagpapasinaya sa bagong dalawang palapag na Multipurpose Hall sa Sitio Centro, barangay San Jose Sico.

Ayon kay Barangay Chairperson Edwin Perez, gagamitin ang pasilidad bilang lugar ng mga pagpupulong ng mga opisyal ng barangay, gayundin bilang tanggapan ng Senior Citizens, Persons with Disability o PWD, at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office.

Nakiisa rin sa blessing at inauguration ang mga opisyal at mga residente ng naturang barangay. (PIO Batangas City)