Basic FSL Training, Isinagawa para sa Mas Inklusibong Serbisyo

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg

TINGNI: Matagumpay na nakumpleto ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng paaralan, establisimyento, at iba pang stakeholders ang Basic Filipino Sign Language o FSL Training.

Pinangunahan ito ng Office of the City Social Welfare and Development Officer o OCSWDO, katuwang ang Philippine Registry of Interpreters for the Deaf Incorporated o PRIDI.

Sa pagsasanay, itinuro ang finger spelling, mga numero, basic hand signs, at mga senyas na maaaring gamitin sa pang-araw-araw na transaksyon, public service, at pagtugon sa emergency.

Ayon kay Social Welfare Officer III Wilma Mandigma, makatutulong ang FSL upang mas mabilis at maayos na makapagbigay ng serbisyo sa Deaf and Hard of Hearing community.

Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng mas inklusibo at accessible na serbisyo para sa lahat. (PIO Batangas City)