HIV Awareness at Testing, Pinalalakas ng Batangas City Local AIDS Council

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg

TINGNI: Mas pinalalakas ng Batangas City Local AIDS Council ang mga programa laban sa HIV dahil sa patuloy na pagdami ng mga naitatalang kaso.

Kabilang sa mga hakbang ang pagpapalawak ng information campaign at pagsasagawa ng Basic HIV 101 seminars sa mga empleyado ng pribado at pampublikong sektor.

Hinihikayat din ang mga Batangueño na magpa-HIV test at magpagamot nang libre sa Batangas City Social Hygiene Clinic. (PIO Batangas City)