69 Kawani ng Pamahalaang Lungsod, Sumailalim sa Ikalawang Batch ng Drug-Free Workplace Orientation

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg

TINGNI: Isinusulong ng pamahalaang lungsod ang isang malusog, ligtas, at drug-free workplace sa pamamagitan ng “Orientation on Drug-Free Workplace for the Employees of the City Government of Batangas”.

69 empleyado mula sa iba’t-ibang tanggapan ang dumalo sa ikalawang batch ng orientation na pinangasiwaan ng Office of the City Human Resource Management Officer o OCHRMO.

Ayon kay HRMDO Administrative Assistant II Jericho Alay, mahalaga ang pagkakaroon ng drug-free workplace upang mas maging epektibo ang pagkakaloob ng serbisyo sa publiko.

Katuwang ng OHRMDO sa programa ang City Anti-Drug Abuse Council o CADAC na pinamumunuan ni Mayor Marvey Mariño.

Nagsilbing resource speakers ang mga kinatawan mula sa Batangas Component City Police Station (BCCPS), DILG, PDEA, at Office of the City Health Officer (OCHO).

Bahagi rin ng hakbang ng lungsod ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga empleyado. (PIO Batangas City)