36 Aso at Pusa mula sa 18 Barangay, Sumailalim sa Libreng Spay at Neuter ng Office of the City Veterinarian

01.jpg 02.jpg 03.jpg

TINGNI: Tatlumpung pusa at anim na aso mula sa 18 barangay sa lungsod ang sumailalim sa libreng spay at neuter program sa Office of the City Veterinarian noong September 30.

Isinagawa ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Rabies Day at sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Veterinarian at Philippine Coast Guard.

Layunin ng programa na makatulong sa pagkontrol ng pagdami ng mga aso at pusa at maisulong ang responsableng pag-aalaga ng mga ito.

Para sa mga nais magpakapon ng kanilang alaga, maaaring tumawag sa 723-8432 para sa schedule at iba pang impormasyon. (PIO Batangas City)