Kadiwa ng Pangulo, Muling Naghatid ng Abot-Kayang Lokal na Produkto sa Batangas City

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg

TINGNI: Kumita ng humigit-kumulang ₱400,000 ang Kadiwa ng Pangulo o KNP sa unang pagbisita nito sa Batangas City noong September 16.

Sa muling pagbisita nito ngayong araw, may 25 stalls ang lumahok sa KNP, na nagbebenta ng mga halaman, gulay, bigas, itlog, at iba’t-ibang produktong lokal mula sa iba’t-ibang bayan.

Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka at prodyuser na direktang maibenta ang kanilang mga produkto sa mas abot-kayang halaga.

Isinagawa ang KNP sa People’s Quadrangle sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the City Agriculturist at nakatakdang muling bumisita sa lungsod sa susunod na buwan.

Para sa mga lokal na magsasaka at prodyuser na nais mapabilang sa mga susunod na Kadiwa ng Pangulo sa ibat-ibang lugar, maaaring makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry o DTI at Department of Agriculture o DA. (PIO Batangas City)