Batangueñong Magna Cum Laude at Erasmus Scholar, Kinilala ni Mayor Marvey Mariño

01.jpg

TINGNI: Binati ni Mayor Marvey Mariño si Jamme Omar Biscocho ng barangay Santa Rita Karsada matapos nitong magtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Applied Physics (Materials Physics) sa University of the Philippines (UP) Diliman.

Bukod sa kanyang kahanga-hangang academic achievement, nakamit din ni Biscocho ang Erasmus Joint Master’s Scholarship, isang highly competitive scholarship program ng European Education and Culture Executive Agency (EACEA).

Sa pamamagitan ng scholarship, mabibigyan siya ng pagkakataong ipagpatuloy ang kanyang master’s degree sa Nuclear Physics sa University of Seville sa Spain.

Layunin ng pagkilalang ito na bigyang-halaga ang sipag, dedikasyon at kahusayan ng mga kabataang Batangueño na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang kapwa at patunay na ang edukasyon at pagpupunyagi ay maaaring maging daan tungo sa mas mataas na pangarap at tagumpay. (PIO Batangas City)