Enhanced Parent Effectiveness Service Program, Isinulong ng OCSWDO para sa Mas Matatag at Mapagkalingang Pamilya

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg

TINGNI: Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas epektibong pag-aaruga, paggabay, at pagpapatibay ng pamilya sa komunidad, nagsagawa ang Office of the City Social Welfare and Development (OCSWDO) ng pagsasanay para sa Enhanced Parent Effectiveness Service (PES) Program.

Tinalakay sa pagsasanay ang 13 bagong module ng Enhanced PES Program sa pangunguna nina Social Worker Remalyn Rosales at Bernadette Manalili ng DSWD Field Office CALABARZON bilang mga resource speakers at facilitators.

Kabilang sa mga paksang natalakay ang parenting, child development, family relationships, positive discipline, responsableng pag gabay sa mga bata, at paglikha ng ligtas at mapagmahal na kapaligiran para sa kanilang paglaki.

Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga magulang bilang unang guro at pangunahing gabay ng kanilang mga anak sa paghubog ng mabuting asal at pagpapahalaga.

Naging kalahok sa pagsasanay ang mga Child Development Workers (CDWs), kinatawan ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), mga senior citizen, miyembro ng ERPAT, at mga tauhan ng Batangas City Component Police Station (BCCPS).

Inaasahang maibabahagi ng mga kalahok ang kanilang mga natutuhan sa mga magulang at pamilya sa kani-kanilang komunidad, na makatutulong sa pagsusulong ng mas matatag, responsable, at mapagkalingang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng Enhanced Parent Effectiveness Service Program, patuloy na isinusulong ang pagkakaroon ng mga magulang na may sapat na kaalaman, kasanayan, at suporta upang magampanan ang kanilang mahalagang papel sa paghubog ng isang mas maayos at responsableng henerasyon. (PIO Batangas City)