- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
TESDA World Café of Opportunities, Naghatid ng Trabaho at Skills Training sa mga Batangueño
- Details
- Wednesday, 26 August 2026 - 8:51:26 AM
- Views: 83
TINGNI: Nagsagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng World Café of Opportunities (WCO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-32 anibersaryo at ng National Technical Vocational Education and Training (TVET) Day, Agosto 25.
Sa pamamagitan ng WCO, nabigyan ng pagkakataon ang mga job seeker na direktang makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng TESDA, mga katuwang na ahensya ng pamahalaan, industriya, at iba pang organisasyon upang malaman at matuklasan ang mga programang maaaring makatulong sa kanilang pag-unlad at paghahanda para sa mundo ng trabaho.
Nagsilbi rin itong one-stop shop sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, pribadong kumpanya, technical-vocational institutions, at financing institutions.
Tampok sa programa ang job fair, iba’t-ibang training at financing opportunities, gayundin ang job-skill matching para sa mga TVET graduate at iba pang nais makapag-avail ng mga nasabing serbisyo.
Kabilang din sa mga serbisyong iniaalok ang konsultasyon hinggil sa mga oportunidad sa Technical-Vocational Education and Training (TVET), tulad ng skills development, assessment and certification, scholarship, employment, at livelihood programs.
Layunin ng TESDA na mabigyan ng sapat na kasanayan ang mga iskolar nito upang magkaroon sila ng mas malaking pagkakataong makahanap ng trabaho matapos ang kanilang pagsasanay.
Hinikayat ni TESDA Batangas Provincial Director Dorie Gutierrez ang mga kabataan, job seeker, manggagawa, aspiring entrepreneur, at iba pang interesado na samantalahin ang mga programang iniaalok ng kanilang ahensya at mga katuwang nitong organisasyon.
Naging katuwang ng TESDA ang Department of Labor and Employment (DOLE), Social Security System (SSS), PhilHealth, Pag-IBIG Fund, National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI), mga Technical-Vocational Institutions (TVIs), at mga lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng WCO. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738

















