Mayor Mariño, Nag-turnover ng School Supplies para sa 33,843 Mag-aaral

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg

TINGNI: Pormal na itinurn-over ni Mayor Marvey Mariño sa Department of Education (DepEd) Batangas City Schools Division Office (SDO) noong Agosto 13 ang mga school supplies para sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Tatanggap ng naturang school supplies ang 33,843 mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6, bilang karagdagang suporta ng pamahalaang lungsod sa kanilang pag-aaral.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Mariño ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, maging aktibo at participative sa klase, at pahalagahan ang disiplina bilang mahalagang susi sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

Samantala, ipinaabot ni School Governance and Operations Division Chief Dr. Angelisa Amoto ang pasasalamat ng SDO sa patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa DepEd, lalo na sa mga programang naglalayong mapabuti at maiangat ang kalidad ng edukasyon sa Batangas City.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang ilang mag-aaral na personal na makausap si Mayor Mariño at magtanong sa kanya ukol sa kanyang mga interes at karanasan noon siya ay nag-aaral pa. (PIO Batangas City)