Solo Parent Day Celebration, Tampok ang Katatagan at Talento ng mga Solo Parent sa Batangas City

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg 07.jpg 08.jpg 09.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg

TINGNI: Nagtipon-tipon ang mga solo parent sa Batangas City para sa Solo Parent Day Celebration noong Agosto 13.

Itinaguyod ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) ang pagdiriwang upang kilalanin ang sakripisyo, katatagan, at mahalagang papel ng mga solo parent sa pamilya at lipunan.

Tampok dito ang temang “Hindi Ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent.”

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Assistant CSWD Officer Charity Nuñez ang kahalagahan ng patuloy na suporta at pag-alalay sa mga solo parent.

Nagkaroon din ng Dance Competition, kung saan ipinakita ng mga kalahok na hindi hadlang ang pagiging solong magulang upang maipamalas ang kanilang talento at kakayahan.

Limang cluster ang nagtagisan sa iba't ibang modern dance routines.

Nagkampeon dito ang Cluster Solid North, na nag-uwi ng ₱25,000 at certificate, 1st runner-up ang Solid Poblacion na may premyong ₱18,000 at certificate habang 2nd place ang Solid East na tumanggap ng ₱12,000 at certificate.

Nagpasalamat naman si Solo Parent Association President Ruben Gupit sa lokal na pamahalaan at mga private partner sa patuloy na pagkilala at pagbibigay-halaga sa kanilang sektor.

Dumalo rin sa okasyon sina Mayor Marvey Mariño, Councilor Claudette Ambida, at Executive Assistant for Social Services Aleth Lazarte. (PIO Batangas City)