- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
515 College Students, Tumanggap ng Scholarship Allowance mula sa Pamahalaang Lungsod
- Details
- Monday, 17 August 2026 - 3:48:29 PM
- Views: 93
TINGNI: May 515 college students mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ang kabilang sa unang batch ng mga tumanggap ng scholarship allowance mula sa pamahalaang lungsod sa isinagawang distribution noong Agosto 13.
Nagpaabot ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa malaking tulong na hatid ng scholarship program, gayundin sa Mayor’s Action Center Office (MAC) at iba pang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa patuloy na pagpapahusay ng sistema at serbisyo sa pamamahagi ng allowance.
Tampok din sa naturang pagtitipon ang musikal na “GARAPON”, na nangangahulugang “GAbay at sipag, RAmdam na agapat, PONdasyon ng pangarap at pagbangon”.
Ito ay ginampanan ng mga city government employees at nagsadula ng kuwento ng isang pamilyang nagsisikap na mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
Ipinakita sa musikal kung paano nabibigyan ng oportunidad ng pamahalaang lungsod ang mga kabataan upang maabot ang kanilang pangarap na makapagtapos.
Bagama’t kinuwestiyon at binatikos ang programa, nagbago ang pananaw ng ilang tauhan sa kuwento matapos nilang makita mismo ang mga benepisyong dulot nito sa mga kabataang Batangueño.
Para kay Jusmine De Guzman, estudyante ng BatStateU-TNEU, naging epektibong paraan ang musikal upang mas maunawaan at maging malinaw sa kanya ang proseso at epekto ng mga programa dahil inilahad ang mga ito sa pamamagitan ng kuwentong hango sa tunay na karanasan.
Pinuri naman ni Russel Sanchez ng University of Batangas ang paggamit ng art form bilang paraan ng pagbabahagi ng impormasyon. Aniya, mas nagiging madaling maunawaan ng publiko ang mga programa at serbisyong inilalatag ng lungsod kapag naipapakita ang mga ito sa malikhaing paraan.
Samantala, may 476 mag-aaral sa kolehiyo ang kabilang sa ikalawang batch ng mga benepisyaryo ng EBD Scholarship Program. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738















