- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City LGU, BATMC at SM City Batangas, Nagkaisa para sa Human Milk Donation
- Details
- Monday, 17 August 2026 - 2:13:10 PM
- Views: 92
TINGNI: Kasabay ng paggunita sa National Breastfeeding Awareness Month ngayong Agosto, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pamahalaang lungsod ng Batangas, Batangas Medical Center (BATMC), at SM City Batangas upang higit na palakasin ang kampanya sa breastfeeding at human milk donation.
Mahalaga ang breastfeeding sa pagbibigay ng sapat na nutrisyon, pagpapalakas ng immune system, at pagsuporta sa malusog na paglaki at pag-unlad ng utak ng sanggol.
Hinihikayat ang mga ina na eksklusibong magpasuso sa kanilang sanggol sa unang anim na buwan ng buhay upang makatulong sa pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan nito.
Sa ilalim ng MOA, sasailalim sa screening ng City Health Office (CHO) ang mga lactating mother na may sobrang breast milk at nais itong i-donate.
Ang makokolektang gatas ay ipoproseso at ipapasteurize ng BATMC bago dalhin sa Human Milk Depot na matatagpuan sa SM City Batangas.
Dito iimbak ang donor milk upang maipagkaloob sa mga sanggol na higit na nangangailangan, kabilang ang mga premature baby at mga sanggol na hindi mapasuso ng kanilang sariling ina.
Ang Human Milk Depot sa SM City Batangas ang ikapitong Human Milk Depot ng SM Supermalls at kauna-unahan sa ganitong uri sa Southern Luzon.
Pinangunahan nina Mayor Marvey Mariño, BATMC Chief Dra. Maritess Torio, at SM Program Director for Women and Breastfeeding Mothers Atty. Pearly Joan Turley ang paglagda sa kasunduan.
Binati ni Mayor Mariño ang mga katuwang sa proyekto at binigyang-diin ang kahalagahan ng naturang noble effort para sa kapakanan ng mga sanggol na nangangailangan ng breast milk.
Samantala, mahigit 100 lactating mothers sa lungsod ang nakilahok sa milk-letting drive bilang bahagi ng Nationwide Breastfeeding Activity (Hakab’ta) na may temang “Strengthening Breastfeeding Support through Human Milk Donation and Partnership.”
Nakiisa rin sa aktibidad sina Batangas 5th District Congresswoman Beverley Dimacuha, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Alyssa Cruz, DOH Center for Health Development CALABARZON Assistant Regional Director Dr. Rosa Marie Rempillo, Assistant City Health Officer Dr. Angela Alegre, SM Supermalls Assistant Vice President for South 4 Juan Marius Cortez, at SM City Batangas Mall Manager Gemina Buenaflor. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738































