- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Mga Pagkukulang sa Serbisyo ng Tubig, Inamin ng Hiraya (Prime Water Batangas City) at Nangako ng mga Pagbabago
- Details
- Thursday, 13 August 2026 - 4:12:56 PM
- Views: 182
TINGNI: Inamin ng pamunuan ng Prime Water Batangas City ang mga naging pagkukulang sa kanilang pamamalakad na nagdulot ng mga problema sa suplay ng tubig sa lungsod, sa isinagawang public hearing na pinangunahan ng Committee on Consumer Welfare and Utilities ng Sangguniang Panlungsod, Agosto 12.
Ayon kay Prime Water Area Head Cristina Lipa, inaako ng kanilang tanggapan ang mga naging lapses na aniya ay dahil sa kakulangan sa pondo at mga problemang kinaharap ng kanilang pamunuan.
Isinagawa ang public hearing bunsod ng patuloy na mga reklamong natatanggap ng pamahalaang lungsod mula sa mga konsumidores nito.
Inilahad ng mga dumalong Barangay Chairperson ang kanilang mga nararanasang problema, kabilang ang madalas na pagkawala ng suplay ng tubig, lalo na tuwing weekend at madaling araw; mabagal na response time sa mga reklamo; hindi maayos na restoration ng mga kalsada matapos ang repair works; at kakulangan sa information dissemination hinggil sa mga abiso at pagbabago sa serbisyo.
Bilang tugon, nangako si Lipa at ang mga kinatawan ng kompanya na mararamdaman ng mga consumer ang mga positibong pagbabago kasunod ng pagbabago ng ownership ng Prime Water, na ngayon ay Hiraya Water Corporation na pagmamay-ari ng businessman na si Lucio Co.
Inisa-isa naman ni Hiraya Branch Manager Marygrace De Ramos ang mga proyekto ng kompanya na nasimulan at nakatakdang isagawa upang mapabuti ang suplay ng tubig sa lungsod.
Kabilang dito ang Alangilan Water Source Development, na inaasahang makatutulong sa mga barangay ng Poblacion 1 hanggang 24, Cuta, Malitam, Wawa, Sta. Clara, Kumintang Ibaba at Kumintang Ilaya.
Sisimulan din ang Soro-Soro Karsada Source Development, na inaasahang makikinabang ang mga consumer mula sa Mahabang Parang, Soro-Soro Karsada at Soro-Soro Aplaya.
Maglalatag din ng mga bagong tubo sa Malitam at Bagong Palengke para sa mga consumer sa Cuta, Malitam at Bagong Palengke, gayundin ang pagtatayo ng Poblacion Water Tank na inaasahang magseserbisyo sa Poblacion barangays, Cuta, Wawa, Malitam at Sta. Clara.
Ibinahagi rin ni De Ramos na nakabili na ang Hiraya ng mga karagdagang generator set at hinihintay na lamang ang delivery ng mga ito upang magamit sa operasyon ng water system ng lungsod.
Tinanong ni Committee on Consumer Welfare and Utilities Chairman Zester Hernandez kung kailan matatapos ang mga nabanggit na proyekto at hiniling ang malinaw na timeline ng mga ito, dahil umaasa ang mga mamamayan sa konkretong resulta ng isinagawang public hearing.
Ayon sa pamunuan ng Hiraya, inaasahang mararamdaman ang improvement sa kanilang serbisyo bago matapos ang 2026, habang target namang matapos ang mga proyekto sa loob ng anim hanggang 12 buwan.
Samantala, binigyang-diin ni dating Konsehal Nestor “Boy” Dimacuha at Vice Mayor Alyssa Cruz ang umano’y mga pagkukulang ng Board of Directors (BOD) ng Batangas City Water District (BCWD).
Ayon kay Dimacuha, nakasaad sa Joint Venture Agreement na dapat magsagawa ang BOD ng taunang review sa performance ng Prime Water.
Nakasaad din umano rito na maaaring patawan ng penalty ang kumpanya kung may mga obligasyong hindi nito natutupad, na maaari ring maibalik sa mga consumer sa pamamagitan ng refund.
Sinang-ayunan naman ito ni BCWD General Manager Engr. Bernard Hornilla at nangakong ipararating ang usapin sa bagong pamunuan ng Hiraya.
Hiningi ni Konsehal Jonash Tolentino ang opinyon at tulong ng City Legal Office upang repasuhin ang Joint Venture Agreement sa pagitan ng lungsod at ng dating Prime Water, upang matiyak ang pananagutan ng mga partido sakaling hindi matupad ang mga kasunduang nakasaad dito.
Umaasa ang mga opisyal at residente na maisasagawa ng Hiraya ang mga ipinangakong proyekto at pagbabago upang tuluyang mapabuti ang serbisyo ng tubig sa lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738




























