Twice Topnotcher na si Christen May Laureta, Tumanggap ng Pagkilala at Insentibo mula sa Pamahalaang Lungsod

01.jpg 02.jpg 03.jpg 04.jpg 05.jpg 06.jpg

TINGNI: Ginawaran ng resolution of commendation ng Sangguniang Panlungsod si Christen May Laureta ng barangay Santa Rita Karsada bilang pagkilala sa kanyang pambihirang tagumpay na mapabilang sa Top 5 ng dalawang magkaibang National Licensure Examinations sa loob lamang ng tatlong buwan.

Kinilala si Laureta bilang isang Twice Topnotcher matapos makuha ang ikaapat na pwesto na may 92.25% na marka sa April 2026 Real Estate Brokers Licensure Examination at ang ikalimang pwesto na may 91.50% na marka sa July 2026 Real Estate Appraisers Licensure Examination.

Ang natatanging tagumpay na ito ay patunay ng kanyang kahusayan, sipag, at dedikasyon sa larangan ng real estate.

Kasabay ng pagkilala ng Sangguniang Panlungsod, ginawaran din siya ng cash incentive at Certificate of Recognition alinsunod sa Ordinance No. 22-015, S. 2025, na nagtatakda ng pagbibigay ng insentibo at pagkilala sa mga kwalipikadong residente ng Batangas City na nagiging topnotcher sa Bar at Board Licensure Examinations.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, patuloy na kinikilala ng pamahalaang lungsod ang mga natatanging Batangueño na nagdadala ng karangalan sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang kahusayan sa kani-kanilang propesyon.

Inaasahang magsisilbing inspirasyon ang tagumpay ni Laureta sa mga kabataang Batangueño upang magsikap, magtiyaga, at hangarin ang kahusayan sa kanilang napiling larangan. (PIO Batangas City)