- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
PYAP Batangas City, Ipinagdiwang ang Ika-52 Founding Anniversary sa Pamamagitan ng mga Patimpalak
- Details
- Tuesday, 04 August 2026 - 4:50:59 PM
- Views: 128
TINGNI: Ipinagdiwang ng Pag-Asa Youth Association of the Philippines (PYAP) sa lungsod ang ika-52 Founding Anniversary nito sa pamamagitan ng ibat-ibang patimpalak, Agosto 1.
Ang PYAP ay isang pambansang samahan na binubuo ng mga out-of-school youth (OSY) at iba pang marginalized na kabataan na may edad 15 hanggang 30 taong gulang.
Layunin nitong hubugin ang kanilang kakayahan, kabuhayan, at kaisipan upang maging responsable at produktibong mamamayan.
Tinanghal na kampeon sa Tiktok Dance Challenge ang Team “Naka Naka” ng Bolbok. Sa Spoken Poetry Competition, nagwagi ng unang pwesto si Arlene Feat Galura habang nagwagi naman ng 1st place sa Poster Making Contest si Elaiza Hernandez ng Banaba East.
Tema ng selebrasyon ay “Sustaining the Flame: Institutionalizing Empowered Leadership, Strengthening Governance, and Advancing Development Pathways for a Future-Ready PYAP”, na nakatuon sa patuloy na pagpapalakas ng kakayahan, pamumuno, at partisipasyon ng kabataan sa komunidad.
Ang naturang gawain ay sa pangunguna ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO), katuwang ang Local Youth Development Office (LYDO), Sangguniang Kabataan (SK), at mga youth leaders mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738



























