- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Pamahalaang Lungsod, Pinarangalan ang mga Katuwang sa Pagsusulong ng Karapatan ng mga PWD sa National Disability Rights Week
- Details
- Tuesday, 04 August 2026 - 3:56:17 PM
- Views: 71
TINGNI: Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week, binigyang-pagkilala ang mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga organisasyon na katuwang sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng Persons with Disability (PWD) sa lungsod, July 31.
Pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) ang aktibidad na dinaluhan ng mga PWD Presidents at barangay chairpersons mula sa iba’t ibang barangay.
Ang taunang pagdiriwang ay may temang “Rights First, Legislation Forward – Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development” na naglalayong tiyakin na ang mga PWDs ay ganap at pantay na nakikinabang sa mga karapatang pantao, pangunahing kalayaan, at likas na dignidad bilang bahagi ng lipunan.
Kabilang sa mga kinilalang katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga programa para sa PWDs ang City Schools Division Batangas, Helping Hands Pediatric Therapy Center, SM City Batangas, Mediwalk Corp., Philippine Bond of Mercy, Philippine Dental Association, Batangas Filipino Chinese Chamber of Commerce, Batangas State University-The National Engineering University, Apex Club Batangas Chapter, gayundin ang mga barangay na aktibong sumusuporta sa mga programa at serbisyo para sa sektor.
Pinarangalan din ang mga kompanyang nagtataguyod ng pantay na oportunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga trabaho at espasyo para sa mga PWDs, kabilang ang Gulod Senior High School, Jollibee Food Corporation, Great Swiss Metal Builder Corp., Wanam sa Bukid, Chowking Food Corporation, PSWDO, at Batangas City Government.
Kinilala rin ang limang Barangay Presidents Association na nagsusulong ng kamalayan hinggil sa kapansanan, accessibility, pantay na oportunidad, at inclusive development sa komunidad. Sila ay sina Magdalena Aguila ng Ilihan, Marilou Dalisay ng Balete, Cherryme Plata ng Bukal, Jennie Ausa ng Sorosoro Ibaba, at Adelaida Lumanglas ng Kumintang Ilaya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni OCSWDO Officer Hiyasmin Candava ang kahalagahan ng mahusay na pamumuno, aktibong adbokasiya, at matibay na ugnayan ng pamahalaan at mga stakeholder upang higit pang maisulong ang accessibility, pantay na oportunidad, at inklusibong pag-unlad.
Ayon naman kay Batangas City Federation of Persons with Disability President Wilson Barte, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng isang inklusibong komunidad na kumikilala sa kakayahan at ambag ng bawat mamamayan, lalo na ng mga PWDs.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pangako ng pamahalaang lungsod na magpatupad ng mga programang nagtataguyod ng pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat, nang walang naiiwan.
Dumalo sa nasabing pagdiriwang ang ilang miyembro ng Sangunian Panglungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738



































































