- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City, Pinaigting ang Mga Programa Bilang Pakikiisa sa National Disaster Resilience Month
- Details
- Wednesday, 08 July 2026 - 9:22:44 AM
- Views: 114
TINGNI: Bilang pakikiisa sa paggunita ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo, naghanda ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng iba't ibang aktibidad na nakahanay sa temang, "Naghahanda at Kumikilos sa Panatag na Bagong Pilipinas."
Noong Hulyo 3, isinagawa ang Fire Olympics na pinangunahan ng BFP Batangas City.
Sa parehong araw, inilunsad din ang Ligtas Bulilit Program na naglalayong palakasin ang kaalaman ng mga bata sa fire safety at maitanim ang kultura ng kahandaan sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD).
Samantala, nagkaisa ang iba't ibang sektor sa isinagawang City-Wide Cleanup noong Hulyo 4, kung saan nilinis ang mga drainage, creek, at kanal bilang bahagi ng mga hakbang sa pag-iwas sa pagbaha.
Mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 13, isasagawa ang National Disaster Resilience Month Contest na tampok ang mga patimpalak sa video editing, painting, songwriting, at poetry.
Sa Hulyo 16 at 17 naman, nakatakdang ganapin ang ABDRRMO Seminar-Workshop para sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) planning at psychological support.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang Barangay DRRM Planning Workshop upang gabayan ang mga barangay sa pagbuo at pagrepaso ng kani-kanilang DRRM Plans.
Magtatapos ang pagdiriwang sa Hulyo 29 sa paglulunsad ng Project BRIDGE, isang programa ng CDRRMO at DepEd na naglalayong isama ang Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation (DRRCCA) sa kurikulum mula Kindergarten hanggang Senior High School.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang pagbuo ng isang ligtas, handa, at matatag na komunidad. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738







